Coffee shop sa Antipolo pinasok ng mga holdaper
(File Photo)
(File Photo)

Police raided an illegal fuel-siphoning operation in Malabon on Friday, arresting four suspects and seizing an…

The Philippine National Police (PNP) on Monday claimed a 30.43-percent drop in focus crimes nationwide in June,…

A 34-year-old woman listed as most wanted for robbery with homicide was arrested during an intensified manhunt…

MISAMIS ORIENTAL — Northern Mindanao is strengthening its safety framework by combining improved peace and order…

The Tacloban tragedy reveals that the current law treats juveniles as a monolith, ignoring how online echo chambers,…
Nilooban ang isang coffee shop sa Antipolo kung saan anim na katao ang nanakawan bandang 11:13 ng gabi sa loob ng Lime Craft Coffee na matatagpuan sa No. 88 Sitio Macopa, Barangay Bagong Nayon, Antipolo City nitong Huwebes.
Batay sa paunang imbestigasyon ng pulisya, tatlong hindi pa nakikilalang suspek ang bumaba mula sa kanilang mga motorsiklong getaway at pumasok sa coffee shop na nakasuot ng helmet, face mask, at motorcycle bonnet. Nagdeklara ang mga suspek ng hold-up habang tinututukan ng baril ang mga biktima.
Pwersahan nilang kinuha ang mga mahahalagang gamit ng mga kostumer at mabilis na tumakas patungong Masinag sakay ng kanilang mga motorsiklong minamaneho ng tatlo pa nilang kasamahan na naghihintay sa labas ng establisyemento.
Kasalukuyan nang isinasagawa ang follow-up investigation para sa posibleng pagkakakilanlan at pag-aresto sa mga suspek at para sa pagbawi ng mga ninakaw na kagamitan.
Kabilang sa mga natangay ay isang iPhone XR na nagkakahalaga ng P10,000; dalawang Infinix Hot 30i na nagkakahalaga ng P10,000; isang Huawei tablet na P15,000; isang HP laptop na P17,000; isang iPhone 14 Plus na P70,000; isang Motorola Edge 2021 na P25,000; cash na P20,000 mula sa benta ng coffee shop; at iba’t ibang identification cards ng mga biktima.