Kinabahala ng netizen ang post ng dating nobyo ni Gina Lima, na si Ivan Cezar Ronquillo, matapos itong mapuna, ilang araw matapos pumanaw ang kanyang kasintahan noong ika-17 ng Nobyembre.
Sa isang post kahapon, makikita ang video ng dalawa na may caption na: "Eto na pala yung huling pahinga natin, baby, dapat sinabi mo," na dinagdagan pa ng: "Baby, susunod ako sa’yo dyan kung saan ka man."
Ilan sa mga komento ng netizen:
Cenvantes Rain: "Tinototoo nyanga"
Bambi Dawson: "Consequences of a one-sided story. False accusations."
Kyan Lim Nobleza: "We forget that everyone is fighting their own battles."
Ito ay naging basehan ng netizens at sinasabing namatay umano sa pambubugbog ang modelo, bagay na pinabulaanan naman ng mga pulis.
Sa kasunod na post, ipinakita ng binata sa video ang kanyang mga sugat na natamo. Bagaman hindi niya inilahad ang konteksto, kalakip nito ang caption na: "Kay Kevin Tan yg maraming salamat sa ginawa mo sa mukha, justice na rin, bahala sa’yo at maraming salamat sa pagkalat ng maling impormasyon."
Nitong Miyerkules, ika-19 ng Nobyembre, natagpuan ring walang buhay si Ronquillo sa mismong condo unit kung saan nasawi si Lima.
Ayon naman sa pahayag ng Quezon City Police Division (QCPD) , walang external injuries ang nakita maliban sa "ligature mark" o marka ng bigkis sa kanyang leeg.
Bago ang insidente ay kinumpirma na ng pamilya nito ang emotional struggle ng binata matapos pumanaw ang nobya. Sinabi rin ng QCPD Kasunod rin ng insidente ay pumirma ng waiver ang pamilya ni Ronquillo ng waiver kung saan tinatanggap nila ang sanhi ng pagkamatay ng binata.
“Subsequently, the victim’s father voluntarily submitted a handwritten waiver expressing the family’s belief that the incident was a case of suicide and stating that they no longer wished to pursue further investigation," ayon sa pulisya.