SUBSCRIBE NOW SUPPORT US
MALACAÑANG Palace Christmas tree.
MALACAÑANG Palace Christmas tree.Photographs by Yummie Dingding for Daily Tribune

Pag-iilaw ng Giant Christmas Tree binuksan sa Boac

Published on

Dinagsa ng mga residente at mga manonood ang makulay at masayang pormal na pagbubukas at pagpapailaw ng Giant Christmas Tree at Christmas Village sa bayan ng Boac. Pinangunahan ni Mayor Armi DC. Carrion ang naturang seremonya, na nagsilbing unang hudyat ng pagsisimula ng kapaskuhan sa kabisera ng Marinduque nitong 18 Nobyembre.

May temang “Christmas Around the World,” tampok sa selebrasyon ang iba’t ibang dekorasyong sumisimbolo sa kultura at tradisyon ng Pasko mula sa iba’t ibang bansa. Layunin nitong ipakita ang pagkakaiba-iba ngunit nagkakaisang diwa ng kapaskuhan — pagmamahalan, pagbibigayan, at pag-asa.

Sa ginanap na lighting ceremony, sabay-sabay na nagniningning ang higanteng Christmas Tree at ang makulay na Christmas Village, na agad namang umani ng paghanga mula sa publiko. Napuno ng saya at excitement ang paligid habang nasasaksihan ng mga bisita ang pag-iilaw, kasabay ng musika at mga pagtatanghal na handog para sa komunidad.

Ang taunang tradisyon ay hindi lamang selebrasyon ng ilaw at dekorasyon, kundi pagdiriwang din ng pagkakaisa ng mga Boakeño. Ang temang “Christmas Around the World” ay paalala na saan mang panig ng mundo, iisa lamang ang mensahe ng Pasko — pagmamahal at pagkakaisa.

logo
Daily Tribune
tribune.net.ph