

Bumanat si Davao City 1st District Representative Paolo "Pulong" Duterte kay Interior Secretary Jonvic Remulla matapos nitong sabihing iugnay ang mga nakalipas na rally at kritisismo sa sedisyon.
Sa isang social media post nitong Martes, ika-18 ng Nobyembre, pinaalala ng Kongresista na karapatan ng mga Pilipino ang malayang pagpapahayag, na matagal nang nakasaad sa Konstitusyon simula 1987.
"Gusto mo ba ipa-laminate namin ang Article III, Section 4 tapos i-display mo sa opisina mo? Para hindi ka naliligaw?" tanong ni Duterte.
Maging ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ay naidawit sa kanyang pahayag, kung saan tiniyak ni Pulong ang bilyones na badyet ng ahensya dahil tila makaluma o “museum level na M16” pa umano ang gamit nilang armas, at mayroon ding umanong mga “ghost project” dahil wala umano siyang nakitang aktwal na proyekto.
"So pwede ba namin papuntahin ang staff ko para mag-inspect? O sa dictionary ninyo, 'transparency' equals 'sedition' na rin?" dagdag pa niya.
Aniya, “Konting rally, sedition. Konting tanong, sedition. Konting pag-check ng budget, sedition… Bawal mag-demand ng accountability.”
Pinaalala rin ng Kongresista, "Not every criticism is a threat to national security. Minsan, nakakasilaw lang talaga ang katotohanan."