Imee: BBM, FL ‘lulong’ sa droga


Inakusahan ni Senator Imee Marcos ang kanyang kapatid, si President Ferdinand Marcos Jr., ng paggamit ng ipinagbabawal na gamot sa ikalawang araw ng anti-corruption rally ng Iglesia ni Cristo noong Lunes.
“Batid ko na, na nagda-drugs siya. Nalaman ko at ng pamilya. Nalaman ng pamilya, seryoso ito,” pahayag ni Imee sa kanyang talumpati sa programa.
Inakusahan din niya si First Lady Liza Araneta-Marcos ng paggamit ng droga, at sinabing: “Mas lumala ang kanyang pagkalulong sa droga dahil parehas pala silang mag-asawa.”
Dagdag pa niya, "lahat sila nag-iinuman at gumagamit ng cocaine," na patungkol umano sa Pangulo, FL at kanilang mga kaibigan.
Nangyari ang mga pahayag sa gitna ng tumitinding tensyon sa politika habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa mga umano’y anomalya sa mga proyektong flood control ng pamahalaan.
Samantala, tinanggap ni Marcos ang pagbibitiw nina Executive Secretary Lucas Bersamin at Budget Secretary Amenah Pangandaman, ayon sa anunsyo ni Palace Press Officer Claire Castro noong Lunes.
Ayon kay Castro, nag-resign ang dalawang opisyal dahil sa “delicadeza” kasunod ng kontrobersiya sa flood control projects.
Itinalaga si Finance Secretary Ralph Recto bilang bagong executive secretary. Si Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs Frederick Go naman ang hinirang na bagong kalihim ng Department of Finance.
Ini-appoint rin si Department of Budget and Management Undersecretary Rolando Toledo bilang officer in charge ng ahensya.
Three petitions challenging the constitutionality of the Senate impeachment court’s revised interpretation of the…
A health reform advocate on Wednesday warned that a reduced 2027 budget for the Philippine Health Insurance Corp.…
A person who is down in the gutter should be helped or, in this case, pulled out. And that’s what first responders in…