Lalaki patay sa landslide dahil kay 'Uwan'


Patay ang isang 57 taong gulang na lalaki matapos matabunan ng lupa ang tirahan nito sa Barlig, Mountain Province dahil sa pananalasa ng bagyong Uwan.
Batay sa pinakahuling ulat ng OCD nasa 18 na ang napaulat nasawi dahil sa bagyong Uwan.
Ang tinutukoy na biktima ay pang-siyam sa bilang ng mga casualties sa Cordillera Administrative Region.
Nabawi ng mga kapwa residente sa Barangay Lapang ang mga labi ng biktima habang ang mga anak nito ay nasugatan din sa pagguho ng lupa ngunit nagpapagaling na sa ospital.
Ayon sa Mountain Province Disaster Risk Reduction Office, umabot na sa 90 na mga kabahayan ang napinsala dahil sa super typhoon.
Three petitions challenging the constitutionality of the Senate impeachment court’s revised interpretation of the…
A health reform advocate on Wednesday warned that a reduced 2027 budget for the Philippine Health Insurance Corp.…
A person who is down in the gutter should be helped or, in this case, pulled out. And that’s what first responders in…