
(File Photo)
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Tatlong miyembro umano ng isang grupo ng “gun-for-hire” ang natiklo sa magkakahiwalay na operasyon sa Maguindanao del Norte, North Cotabato, at Davao City, ayon sa Philippine National Police (PNP) nitong Martes.
Sa isang pahayag, sinabi ng PNP na naaresto ang isang lalaking suspek noong 31 Oktubre sa Parang, Maguindanao del Norte; isa pang lalaking suspek noong 1 Nobyembre sa Pigcawayan, North Cotabato; at ang ikatlong suspek noong 3 Nobyembre sa Davao International Airport sa Davao City.
Paliwanag ng PNP, ang mga naaresto ay mga miyembro ng ng Ontong Criminal Group na konektado sa Directorate for Intelligence-listed ‘Opaw Crime Group,’ isang gun-for-hire syndicate na pinaniniwalaang responsable sa serye ng mga pagpatay at karahasan sa Lanao del Sur at Maguindanao del Norte.
Dagdag ng mga awtoridad, naaresto ang tatlong suspek sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng isang korte sa Cotabato City noong Hunyo 25 para sa kasong murder at double attempted murder.
Sa hiwalay na pahayag, kinilala ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang tatlong naarestong suspek bilang sina “Samer,” “Sidin,” at “Mike.”
Ayon sa CIDG, ang tatlong suspek umano ay bumaril sa tatlong lalaki noong Setyembre 16, 2024, sa Buldon, Maguindanao del Norte, kung saan isang biktima ang nasawi at dalawa ang nasugatan.

Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Noong Miyerkules, tinupad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang hangarin na makasama sa pamamahala ng gobyerno…