

Dalawa ang naitalang sugatan matapos bumagsak ang side panel ng electronic billboard nitong hapon ng Lunes, ika-10 ng Nobyembre.
Ayon sa ulat ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ang billboard ay nakadikit sa isang condominium na Aurora-Katipunan Service Road Southbound. Dahil dito ay pamsamantalang isinara ang kalsada mula sa Xavierville hanggang intersection ng Aurora, sa Quezon City.
"Sa Xavierville Ave. o sa Katipunan flyover muna ang daan ng mga sasakyan na nasa kahabaan ng Katipunan Southbound at U-turn sa Katipunan bago mag- B. Serrano SB para sa mga sasakyang papunta ng Marcos Highway," Ayon sa MMDA.
Ayon naman sa ulat ng DZBB, naisugod na sa ospital ang mga biktima ng sinasakyang motorsiklo kung saan nagtamo umano ang driver ng sugat, habang namaga naman ang mukha ng backrider. Apektado rin ang isang sasakyan sa nagtamo ng ilang pinsala.
Nangyari ang insidente bandang alas-nuebe ng umaga, kasagsagan ng bugso ng bagyong Uwan.