
Ecuador © Tatiana MAGARINOS / AFP
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Apat katao ang nasawi at higit sa 30 ang sugatan sa naganap na karahasan sa isang bilangguan sa Ecuador noong Linggo.
Ayon sa mga otoridad, ginamitan ng baril at pampasabog ang naturang insidente. Ipinaliwanag nila na ito ay bahagi ng serye ng sunod-sunod na kaguluhan sa mga bilangguan sa nasabing bansa.
Ang mga bilangguan sa Ecuador ay nagsisilbing mga “operational center” ng mga magkalabang sindikato ng droga. Mahigit 500 bilanggo na ang napatay sa mga labanan ng mga grupong nagtutunggali para sa kontrol ng kumikitang ngunit ilegal na kalakalan ng droga.
Ang pinakabagong insidente ay naganap bandang alas-3:00 ng madaling araw sa isang bilangguan sa Machala, isang lungsod sa timog-kanlurang bahagi ng bansa.
Ayon sa mga residente sa paligid, narinig nila ang mga putok ng baril, mga pagsabog, at mga sigaw mula sa loob ng mga pader ng bilangguan.
Naglabas ng pahayag ang SNAI, ang ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa mga bilangguan sa Ecuador, na nagsasabing apat na tao ang namatay sa karahasan habang 33 bilanggo at isang pulis ang nasugatan.

Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Noong Miyerkules, tinupad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang hangarin na makasama sa pamamahala ng gobyerno…