Karpintero na nangmolestiya ng kanyang stepdaughter, arestado


Arestado ang 43-anyos na construction worker dahil sa umano’y pangmomolestiya sa kanyang stepdaughter sa Jalajala, Rizal.
Ito ay natunton sa kanyang trabaho sa Banawe Street sa Quezon City dito napag-alaman na ito ay nagtatago at siya ay kasalukuyang nangongontrata ng pagkakarpintero sa isang bahay malapit sa NS Amoranto at doon siya inabangan at inaresto ng otoridad. Siya ay sinilbihan ng mga operatiba ng La Loma Police Station ng arrest warrant sa akusado para sa kasong lascivious conduct in relation to Republic Act 7610 or Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act.
Base sa imbestigasyon, minolestiya nito ang kanyang stepdaughter noong buwan ng Enero at inihayag ng biktima na siya ay namolestiya dahil sa labis na kalasingan ng kanyang amain at agad naman siyang nakatakbo at nagsumbong sa kanyang nanay.
Hindi naman na nagbigay ng komento ang suspek at sinabi na sa korte na lang siya magsasalitra. Nakapag-return of warrant na ang mga pulis at hinihintay na lang ang commitment order mula sa korte.
Hindu immigrants abroad celebrate in either August or September Ganesh Chaturthi, a 10-day festival commemorating the…
President Ferdinand Marcos Jr. on Tuesday called for women’s greater representation in leadership across Southeast…
The Senate impeachment court on Tuesday denied the prosecution’s bid to compel Vice President Sara Duterte to confirm…