Mga sasakyan naantala dahil sa tumapon na isda



Naglabas si Bise Presidente Sara Duterte ng pahayag kaugnay ng ikaapat na araw ng kanyang impeachment trial.
Nananatiling nangunguna ang Pilipinas bilang pangunahing tagapagsuplay ng mga seafarer sa buong mundo, ayon sa 2026…

Sinagot ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro ang pahayag ni Davao City Mayor Baste…

Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…
Nagdulot ng pagkaantala ang mga nagkalat na isda pagkatapos tumaob ang isang van sa northbound lane ng NLEX kaninang ala una ng madaling araw.
Batay sa report ng NLEX Corp., nasabugan ng gulong ang naturang van na may lulan ng isda at bumangga ang sasakyan sa steel railings ng expressway.
Dahil sa lakas ng pagkakasalpok, tumaob ang naturang van at bumaliktad sa gitna ng naturang kalsada.
Nireport ng NLEX na nasira ang kanilang steel railings at concrete post sa lakas ng tama. Nagkalat naman ang mga isda na sana ay idedeliver para ibenta sa palengke.
Ang mga nagkalat na isda ay nagdulot ng trapiko sa naturang lugar. Wala naman naireport na nasaktan sa aksidente at nalinis naman na ang daan at naialis na ang sasakyan sa nasabing lugar.