Ina, kritikal matapos saksakin ng tari ng sariling anak


Kritikal ang lagay ng isang ginang sa ospital matapos siyang saksakin ng kanyang sariling anak sa Matag-ob, Leyte.
Ayon sa PNP, ang biktima ay nagngangalang Mary, 40-anyos, may asawa at residente ng Brgy. Balagtas.
Kinilala naman ang suspek na si Brian na 19-anyos na anak ng biktima.
Nangyari ang inisdente sa oras na 8:45 noong ika-14 ng Agosto.
Lumabas sa imbestigasyon ng PNP na ang suspek ay dumating sa kanilang bahay at lango sa alak, nagkaroon sila ng pagtatalo ng sariling ina matapos hindi mahanap ng suspek ang susi ng motorsiklo nito.
Agad naman na kumuha ang suspek ng tari ng manok at sinaksak sa leeg ang biktima. Ang ikalawang saksak ay tumama sa kanang bahagi ng katawan ng biktima.
Dahil sa mga tinamong sugat sa katawan ng biktima, agad siyang itinakbo sa Ormoc District Hospital ng Matab-Og Municipal Disaster RisK Reduction Management Office para malapatan ng paunang lunas.
Patuloy na tinutugis ng mga otoridad ang suspek.
Three decades after the Marcopper mining disaster devastated Marinduque’s waterways, the province is again pressing the…
Housing is probably the biggest issue affecting people the world over.
Malacañang on Monday called for a more thorough investigation into the questioned flood control projects in Taguig…
The defense on Monday backed the move by senator-judges to exclude a prosecution witness who testified on the firearms…