How true ang mga kumakalat na alingasngas na tila nababawasan na umano ang mga endorsements ng It’s Showtime host na si Vice Ganda?
Kamakailan kasi, ibinahagi ng aktres at fashion icon na si Heart Evangelista na may bago siyang endorsement, at sa kanyang social media post, sinabi niya na isa sa mga pangarap niya ang natupad na.
“Another dream come true. Little Heart, this one’s for you,” sabi ni Heart sa caption ng isang larawan na nagpapakita ng tila behind the scenes photos ng advertisement ng aktres sa loob ng sikat na fast-food chain na McDonalds.
“I can’t even put into words how much love and gratitude I feel right now. @mcdo_ph , thank you for all the love you’ve given me, I can’t wait to share that with everyone,” saad ni Heart.
“The best dreams are the ones we get to pay forward,” dagdag niya.
So, talaga bang out na si Vice Ganda sa McDo endorsement?
Kung matatandaan, nag-ugat ang mga rumors na ito dahil umano sa mga komento umano ni Vice Ganda sa isang concert kung saan binanggit ng komedyante ang "The Hague" at "ICC" at sinamahan pa sa isang paggaya kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng malutong na pagmumura niya, na labis na ikinatawa at ikinapalakpak ng live audience.
Dahil dito, ipinanawagan umano ng mga Duterte supporters na i-boycott lahat ng brand na ineendorso ni Vice Ganda, partikular ang nabanggit na fast food chain dahil sa naging joke nito sa concert niya kamakailan.
Wala pang pahayag sa kasalukuyan ang kampo ni Vice Ganda kaugnay dito gayun din ang fast food chain sa estado ng endorsement ng komedyante.