Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Pumanaw na ang 15 taong gulang na babaeng estudyante na binaril ng kanyang umano'y dating kasintahan sa loob mismo ng paaralan sa Sta. Rosa, Nueva Ecija.
Nakatakda pa sanang iluwas ng Maynila upang operahan at tanggalin ang balang nakabaon sa kanyang ulo ngunit hindi na ito nagawa dahil nanatiling unstable ang kanyang kalagayan.
Binaril ang biktima ng kanyang sinasabing 18 anyos na kasintahan na kalaunan ay nagbaril din sa sarili sa loob mismo ng classroom sa Sta. Rosa Integrated School noong 7 August.
Unang binawian ng buhay ang suspek noong 8 August at nakatakdang ilibing ang kanyang mga labi bukas ng alas-nuwebe ng umaga.
Sa ngayon ay nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente partikular kung sino ang tunay na may-ari ng baril na ginamit ng suspek.

Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Noong Miyerkules, tinupad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang hangarin na makasama sa pamamahala ng gobyerno…