
Rufa Mae Quinto with daughter Athena and Trevor
Photo courtesy of Rufa Mae Quinto on Instagram
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Nagluluksa ang aktres at komedyanteng si Rufa Mae Quinto dahil sa biglaang pagpanaw ng kanyang asawang si Trevor Magallanes.
Sa inilabas na pahayag sa social media, kalakip ang mga larawang kasama ang mister at ang kanilang unica hija na si Athena, sinabi ng aktres na inaalam pa nila ang tunay na dahilan ng pagkawala ng kanyang asawa. Agad din silang tutungo sa Amerika.
Kaugnay nito, nakiusap ang aktres na iwasan ang pagpapakalat ng maling impormasyon tungkol sa pagkamatay ng kanyang asawa. Respeto at dasal ang hiling niya sa gitna ng kanilang pagluluksa, lalo na para sa kanilang nag-iisang anak.
Tinapos ni Rufa ang post sa isang madamdaming mensahe para sa yumaong mister: “Hanggang sa huli, hanggang sa muli, mahal kita, Trev.”
Noong 2016 nagpakasal ang mag-asawa, ngunit nitong unang bahagi ng taon ay inamin ni Rufa na may kinakaharap na pagsubok ang kanilang pagsasama ni Trevor.
Agad namang bumuhos ang pakikiramay mula sa mga kasamahan ng aktres sa industriya sa pamamagitan ng pagkomento sa kanyang social media post.

Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Noong Miyerkules, tinupad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang hangarin na makasama sa pamamahala ng gobyerno…