
Muling na mamang kinilig ang fans nina Barbie Forteza at Jameson Blake nang makita silang nagyakapan at magka-holding hands sa parking lot ng isang mall.
Nag-viral ang photos and videos ng dalawa sa parking lot kaya naman marami ang kinilig.
Sa isang interview, ipinaliwanag ni Barbie kung paano sila naging close ni Jameson.
"Marami ngang na-confuse na parang papano raw nag-krus ng landas yun amin. Nagkasama kami sa pelikula," paliwanag ng Kapuso actress.
Umani ng reaction ang hawak-kamay photo and video nina Barbie at Jameson. Ang daming kinilig.
"Medyo kinilig ako ah, haha, as a BarDa fan."
"For me, para silang mag-besties! Platonic ba!"
"Aww, may pa-takbo pa si Barbie, ang cute cute niya."
"Kung saan sasaya si Barbie, dun tayo, let us support her."
"Basta dun tayo kung san maha-happy si madam, para bongga."
Nauna nang nakitang magkahawak-kamay sina Barbie at Jameson sa mga fun run na dinaluhan nila pareho.
Itinanggi na ni Jameson na merong romantic something sa kanila. Inaalalayan lang daw niya si Barbie dahil maraming tao sa fun run.