
Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

What's your take?
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Continue reading
LA TRINIDAD, Benguet -- Isang lalaki ang nasawi matapos sumalpok ang minamaneho niyang motorsiklo sa isang truck sa kurbadang bahagi ng kalsada sa Puguis nitong Martes, Hulyo 29, 2025.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng La Trinidad Police, isang Isuzu Elf truck ang bumibiyahe mula Km5 patungong Palmaville, Puguis, La Trinidad, Benguet. Pagdating sa kurbada, biglang lumihis sa kaliwang lane ang isang Suzuki Raider 150 na motorsiklo, na minamaneho ng biktima, at bumangga sa kaliwang bahagi ng truck.
Dahil sa impact, tumumba ang motorsiklo at tumilapon ang rider sa kalsada. Agad siyang dinala ng mga rumespondeng tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) La Trinidad sa Benguet General Hospital (BeGH) ngunit idineklara siyang patay pagdating sa ospital. Sinabi ng mga doktor na matinding trauma sa ulo ang sanhi ng kanyang pagkamatay.
Hindi pa inilalabas ang pangalan ng biktima, na sinasabing mula sa Paniqui, Tarlac, dahil kinokontak pa ng mga awtoridad ang kanyang pamilya. Dinala naman ang driver ng truck sa La Trinidad Police Traffic Office para sa karagdagang imbestigasyon.