
Si Klea Pineda mismo ang nag-announce na break na sila ng partner niyang si Katrice Kierulf.
Nangyari ang pag-amin ni Klea sa kaniyang latest Instagram post.
"Maiksing panahon binigay sa atin pero masasabi ko na naging masaya ako sa tatlong taon ng buhay ko na 'yun kasama ka," say ni Klea sa kanyang caption ng mga black and white photos nila ni Katrice.
"Yes, Kat and I decided to end our relationship. Masakit, mahirap. Masyadong maganda ang samahan namin, Pakiramdam ko parang hindi lang tatlong taon 'yung samahan namin sa dami ng nangyari. Kadamay ko siya sa lungkot, nandyan siya sa tabi ko pag masaya, kasama ko siya sa gitna ng kaguluhan, at higit sa lahat siya 'yung taong minahal ako sa mga panahon na hindi ko kayang mahalin ang sarili ko. Naging inspirasyon at lakas ko sa mga laban sa buhay," dagdag pa niya.
Sa huli ay nagpasalamat si Klea sa lahat ng taong sumuporta sa pag-iibigan nila ni Katrice.
"Saksi kayong lahat ng sumusuporta sa akin at kay Kat kung gaano kami kasaya 'pag magkasama. Nakita at naramdaman niyo naman kung gaano namin ka-mahal ang isa't-isa. Maraming salamat sa inyo."