SUBSCRIBE NOW
SUBSCRIBE NOW

Mika Salamanca nagpasalamat

ITSINIKA ni Mika na hindi siya pinalad na makapasok sa PBB House ten years ago.
ITSINIKA ni Mika na hindi siya pinalad na makapasok sa PBB House ten years ago.Larawan mula sa Facebook
Published on
MIKA: Hanggang ngayon po hindi ko pa rin po maintindihan kung ano ang ginawa kong tama sa loob ng Bahay ni Kuya para maging 'Big Winner.'
MIKA: Hanggang ngayon po hindi ko pa rin po maintindihan kung ano ang ginawa kong tama sa loob ng Bahay ni Kuya para maging 'Big Winner.'Larawan mula sa Facebook

Labis na nagpasalamat si Mika Salamanca na nagwagi sa “Pinoy Big Brother Collab Edition” (PBB) bilang Grand Winner Duo kasama si Brent Manalo.

Sa kanyang Facebook account ipinadaan ni Mika ang kanyang pasasalamat.

"Pumasok ako ng PBB na may dalang konting damit at pangarap lang, kaya hindi ko in-expect na aabot ako sa dulo, ‘cause wdym umabot talaga TAYO sa dulo?! NO WAYYYYY, legit?" paunang mensahe ng dalaga.

Itsinika ni Mika na hindi siya pinalad na makapasok sa PBB House ten years ago.

"10 years ago di ako pinalad na makapasok sa PBB, siguro dahil hindi pa ko ready. I’m a firm believer that when plans don’t go your way, it’s because God has a bigger one, at ito yun!"

Until now ay hindi makapaniwala si Mika na siya ang itinanghal na Big Winner.

"Hanggang ngayon po hindi ko pa rin po maintindihan kung ano ang ginawa kong tama sa loob ng Bahay ni Kuya para maging “Big Winner” dahil ang ginawa ko lang naman po ay ang bilin ng mga mahal ko sa buhay—ang maging ako. Thank you for letting me reintroduce myself. Words are not enough to explain how overwhelmed I am sa lahat ng sumalubong na pagmamahal sa amin. Maraming salamat po! Araw-araw po akong maghahanap ng paraan para maibalik sa inyo ang pagmamahal na natatanggap namin. KAYO PO ANG TUNAY NA BIG WINNER!"

Pinasalamatan niya ang ilang housemates sa kayang post.

"To ShuKla and DusBi, dala-dala namin kayo sa laban namin.

"To Caca, thank you for fighting next to me the whole time. Isa ka sa unang nagtiwala at nagpaalala sa akin ng totoong laban ko. Ready na ako sa outside world tasks natin, my Immunity Queen.

"To Brent, welcome to the outside world, partner. If not for you, this wouldn’t have been possible. From your manifestation sa first duo formation to being the final duo to being the first duo big winner! You really made this journey easier by carrying my emotions with me. You never made me feel na mabigat yung baggage ko kasi lagi kang ready na sumalo. And kahit nasa labas na tayo, walang magbabago. I got you. You got me."

And then, pinasalamatan niya ang lahat ng taong may kinalaman sa reality show.

"I also want to take this chance to thank lahat ng bumuo ng PBB Collab Edition, the management, the networks, the hosts, the teams who worked relentlessly to make the show what it is. And to my co-housemates, you guys made this experience very special and worth remembering and I wouldn’t have it any other way. 

"Thank you po sa tiwala Ms. @annettegozonvaldes, Ms. @joymarcelo1115, sir @bossenteng and kuya @ohhjessko of Sparkle, ABS CBN, Tita Becky, Ate Kat and Kuya Jan of @aguilaartists, AND SYEMPRE KUYAAAAAAA!!!!!

"And to my friends and family walang hanggang pasasalamat sa inyong lahat. (puso) Mahal ko kayo."

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph