Patay ang isang 27-anyos na babae matapos barilin sa mukha sa loob ng isang eskinita sa JK Compound, Barangay 105, Tondo, Maynila.
Ayon sa isang saksi, narinig nila ang putok ng baril at nakita ang mga tao na nagtatakbuhan. Nang silipin nito ang pinanggagalingan ng ingay, nakita niyang nakadapa na ang biktima at duguan. Kilala umano niya ang biktima at inilahad na ito’y gumagamit ng iligal na droga.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Rena Rose Tibay, residente ng naturang lugar.
Patuloy na tinutugis ng pulisya ang suspek na si Aaron Hechanova, habang isinasagawa ang mas malalim na imbestigasyon, kabilang ang pagtukoy sa motibo sa krimen.
Hindu immigrants abroad celebrate in either August or September Ganesh Chaturthi, a 10-day festival commemorating the…
President Ferdinand Marcos Jr. on Tuesday called for women’s greater representation in leadership across Southeast…
The Senate impeachment court on Tuesday denied the prosecution’s bid to compel Vice President Sara Duterte to confirm…