SUBSCRIBE NOW SUPPORT US

Juan Karlos Labajo naniniwalang dapat hayaang maging bata ang bata

NAKAKALUNGKOT para kay Juan Karlos Labajo ang dahilan ng pagsali ng mga bata sa ‘Idol Kids Philippines.’
NAKAKALUNGKOT para kay Juan Karlos Labajo ang dahilan ng pagsali ng mga bata sa ‘Idol Kids Philippines.’LARAWAN MULA SA FACEBOOK
Published on

Isa sa mga hurado si Juan Karlos Labajo sa “Idol Kids Philippines” kasama sina Regine Velasquez, Angeline Quinto at Gary Valenciano.

Bilang judge, may napansin si Juan Karlos na common denominator ng mga contestants kung bakit sumasali ang mga bata sa contest.

"Sobrang nakakalungkot para sa'kin kapag merong isang eight year old. 'Ba't ka sumali ng Idol Kids?' 'Para po matulungan ang magulang ko," say ng OPM singer na isang bagay na naobserbahan niya.

Para sa singer ay mali ito.

"Why? Let the kids be kids. The kids deserve to be children. Bago kayo mag-anak, mag-ipon muna kayo."

"Nakakalungkot lang na parang at eight years old, you're already thinking about that? Won't it be nice to just have fun?" paliwanag niya.

Hindi naman siya nagagalit kapag naririnig niya ang dahilang ito kung bakit sumasali ang isang bata sa mga contests. Naiintindihan niya na ang kahirapan sa buhay ay isang matinding dahilan kung bakit gustong manalo ng mga bata.

"I get the hardships of life. I come from that," say niya.

Paniguradong mapupuno ng good vibes ang weekend ng mga Kapamilya sa bagong duo hosts na sina Jolina Magdangal at Robi Domingo. Sasamahan din sila ng bagong IdolKada online hosts na sina Kapamilya actress at Idol Hopeful Shanaia Gomez at “PBB Collab Edition” celebrity ex-housemate Emilio Daez na makaka-bonding tuwing weekend ng netizens sa “Idol Kids Philippines Spotlight.”

Abangan ang kiddie hopefuls sa pagkamit ng kanilang mga pangarap sa “Idol Kids Philippines” simula sa Hunyo 28 (Sabado) at Hunyo 29 (Linggo). 

Mapapanood ang “Idol Kids Philippines” tuwing Sabado, 7:15 n.g. hanggang 8:30 n.g. sa Kapamilya Channel, A2Z, at Kapamilya Online Live, at tuwing Sabado (8 n.g. hanggang 9:15 n.g.) at Linggo (8:15 n.g. hanggang 9:30 n.g.) sa TV5.

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph