SUBSCRIBE NOW
SUBSCRIBE NOW

‘Boy Dila’ kalaboso dahil sa paglabag sa Anti-Bastos law

File photo
File photo
Published on

Si Lexter Castro, na kilala online bilang “Boy Dila” dahil sa insidente noong 2024 kung saan binuhusan niya ng tubig ang isang motorcycle rider sa Wattah Wattah Festival, ay kasalukuyang nakakulong matapos umanong lumabag sa Anti-Bastos Law.

Ayon sa ulat, umano'y sinitsitan ng suspek ang isang menor de edad, na naging dahilan ng pagsampa ng kaso laban sa kanya sa ilalim ng Safe Spaces Act o Anti-Bastos Law.

Ang pagkakadetine niya ay nangyari isang taon matapos siyang mag-viral dahil sa pagbuhos ng tubig sa isang rider gamit ang water gun noong Wattah Wattah Festival 2024.

Upang maiwasan ang kaguluhan na nangyari noong nakaraang taon, binago ng pamahalaang lungsod ng San Juan ang mga lokal na ordinansa at nagtalaga ng mga partikular na “basaan zones” para sa nalalapit na pagdiriwang sa Hunyo 24.

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph