
Na-evict man sa Pinoy Big Brother ay kinainggitan naman si Shuvee Entrata.
Tall, dark and handsome kasi ang sumundo kay Shuvee pagkalabas niya sa Bahay ni Kuya. Siya ay si Anthony Constantino na isang Fil-Am hunk. Ang daming kinilig sa eksena ng dalawa sa labas ng Bahay ni Kuya lalo na nang magyakapan sila.
Sa kanyang social media account ay nag- share si Shuvee ng "signing off" post matapos silang ma-evict ni Klarisse de Guzman.
"Hello Philippines, Hello World! It all started with a dream. A young probinsyana girl wanting to be a housemate. Decades later, that dream turned into a reality. We made it, tiktok fam! Thank you po sa lahat ng sumuporta sa akin at sa Team Shukla! Mahal na mahal namin kayo. Ate @klarissedguzman, thank you for being my final duo," say ni Shuvee sa kanyang post.
Nagpasalamat din si Shuvee sa kanyang home network, GMA Network, and Sparkle GMA Artist Center at may special mention siya sa GMA executives na sina Joy Marcelo and Ms. Annette Gozon-Valdes.
"Di ako susuko. Patuloy akong lalaban para sa pangarap," say niya sa kanyag pamilya.
Winelcome si Shuvee ng kanyang mga friends na sina Ashley Ortega, Roxiee Bae, Skye Chua, Mavy Legaspi, Karla Adolfo at Anthony Constantino na pinaniniwalaang boyfriend niya.
"Shuvee Etrata po, ang Island Ate ng Cebu, Signing off," pagtatapos ni Shuvee sa kanyang post.
Samantala, labis namang nalungkot ang award-winning journalist na si Kara David sa pagkaka-evict nina Shuvee at Klarisse sa Big Brother: Celebrity Collab Edition.
"Para sa akin, sina Shuvee at Klarisse ang pinakatotoo sa loob ng Bahay ni Kuya," say ni Kara.