SUBSCRIBE NOW
SUBSCRIBE NOW

Catriona Gray aliw sa ‘ViCat’

alwin ignacio
Published on
CATRIONA Gray: Yes, we follow each other on IG pero pero hindi kami magka-DM.
CATRIONA Gray: Yes, we follow each other on IG pero pero hindi kami magka-DM.LARAWAN MULA SA FACEBOOK

Ang ating Miss Universe 2018 Catriona Gray, hindi napigilan ang pagka-aliw nang matanong siya tungkol sa pagpa-follow-an nila sa Instagram ni Pasig City Mayor Vico Sotto.

Ang mga matang-lawing netizen kasi ang nakapansin na si Queen Cat at Pasig Mayor Sotto ay nag-follow back sa isa't isa sa Instagram.

Maraming fans ang kinilig sa anila’y posibleng "loveteam" ng dalawa na tinawag nilang “ViCat” — ang portmanteau na mula sa unang pantig ng mga pangalan nina Vico at Catriona.

Chika ni Catriona sa isang panayam patungkol sa namumuong ViCat: “Nagulat din ako. Hindi ko nga in-expect na may meaning na ganyan.”

Dagdag na paglilinaw niya: “Yes, we follow each other on IG pero pero hindi kami magka-DM (direct message). Follow-an lang, mutuals lang.”

Pagtatapos ng Philippines 4th Miss Universe: “Hindi ko talaga in-expect, basta happy people... pero there's nothing really much more than the mutual follow."

**

Bago magdabog ang bangs at bumula ang bibig sa galit ng DongYan fandoms, ang ‘balikan’ nina Karylle Tatlonghari-Yuzon at Dingdong Dantes ay siempre pa, hindi na imposible sa isang proyektong pelikula.

Kasi nga, sandamakmak ang lugod na lugod at tuwang-tuwa sa kanilang pagtatagpo sa noontime variety shiow na “It’s Showtime” si ginoong Dantes para sa promosoyon ng  “Only We Know” ang pelikulang pinagbibidahan nila ni Charo Santos. Super trending nga sa social media ang ‘reunion’ nila Jose Sixto at Anna Karylle, huh!

Sa true lang, kapwa sila nagpakita ng propesyonalismo sa kaganapang ito at sa true lang, the chemistry is chemistrying pa rin ang dalawa, bagay na pinuri ng mga humahanga kina Dantes at Yuzon.

Siempre pa, ang dadalkinang Queen Bayot Vice Ganda, may ichinika sa palatuntunan na nagkita sina Karylle at Marian Rivera, ang natatanging si Mrs. Dantes sa isang event, kamakailan. Bineso umano ni Karylle si Marian.

Pahayag ni Viceral, “Gandang-ganda daw siya kay Marian.” Nang tanungin naman ni Vice si Karylle hinggil sa pagkikita nila ni Dingdong, simple lang ang naging sagot ng singer/actress/host. “Nag-hi lang.” Hindi na siya nagbigay ng ano pa mang detalye.

Sa mga studio audience, maging sa mga nakapanood sa pangyayari at netizen, kahanga-hanga sa kanila ang kalmadong si Karylle. Super classy at mahinahon siya, at ang ganda-ganda pa nga, sa true lang.

Dahil nga parehong happily married na ang mag-ex, umaasa sa pinaka-malapit na hinaharap, magkasama silang muli sa isang pelikula. Yung very “Falling In Love” na romantic movie na pinagtambalan nina Robert de Niro at Meryll Streep o kaya yung “Minsan Pa Nating Hagkan Ang Nakaraan” na ang orihinal na mga bida ay sina Vilma Santos at Christopher de Leon na naging palatuntunan sa telebisyon na ang mga naging bida naman ay sina Cristine Reyes at Marco Gumabao.

Naku, mga producer, paki-sugalan na ang pelikulang Dingdong Dantes at Karylle Yuzon at siguradong hindi niyo pagsisihan, sa true lang tayo!

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph