SUBSCRIBE NOW
SUBSCRIBE NOW

Bilang ng HIV positive sa probinsya ng Marinduque, umabot na sa 132

On TUESDAY, the DOH noted a 500 percent increase in HIV cases in the country.
On TUESDAY, the DOH noted a 500 percent increase in HIV cases in the country.JAM STA. ROSA / AFP
Published on: 

Umakyat na sa 132 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng Human Immunodeficiency Virus (HIV) sa lalawigan ng Marinduque, batay sa pinakahuling tala ng Provincial Health Office (PHO).

Ayon kay Engr. Michael Laylay, HIV/AIDS Coordinator ng PHO, ang mga kasong ito ay naitala mula 1995 hanggang 2025, kung saan pito sa mga ito ay bagong kaso mula Enero hanggang Marso ngayong taon. Sa pitong bagong kaso, anim ay kababaihan habang isa ay kalalakihan. Sa kabuuan ng 132 kaso, 126 ay lalaki at anim ay babae.

Ibinahagi rin ni Laylay na sa mga naitalang kaso, 29 ang resulta ng pakikipagtalik ng babae sa kapwa babae, 81 ay lalaki sa kapwa lalaki, at 19 ay lalaki sa babae. Isang kaso ay mula sa inang nagpapasuso, at may dalawang kaso na hindi pa matukoy ang pinagmulan ng impeksyon.

Sa ngayon, hindi pa tukoy ang kinaroroonan ng ilan sa mga pasyente. Kaya naman muling nanawagan ang PHO na maging maingat, gumamit ng proteksyon, at iwasan ang anumang maaaring magdulot ng pagkakahawa ng sakit.

Lumabas din sa talaan na 15 taon gulang ang edad ng pinakabata na nahawaan ng sakit na may kabuuang bilang na walo kung saan pito rito ay naitala noong 1999 hanggang sa kasalukuyang taon habang isa sa naitala nitong Enero hanggang Marso 2025.

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph