SUBSCRIBE NOW
SUBSCRIBE NOW

Katrina Velarde nagpatanggal ng nose implant

KATRINA Velarde: I needed to have my nose implant removed as soon as possible.
KATRINA Velarde: I needed to have my nose implant removed as soon as possible. Facebook
Published on

Nagka-complication pala kaya sumailalim si Katrina Velarde ng operasyon kaugnay ng implant sa kanyang nose.

Nagbigay ng  video update sa Facebook si Katrina kung saan inamin niyang ito ang dahilan kung bakit hindi siya nakadalo sa ilang commitments. Kasama na rito ang guest performance niya sa concert ng 90s group na 98 Degrees. 

"After kong mag-post about sa hindi ako makaka-attend sa 98 Degrees (concert)... I needed to have my nose implant removed as soon as possible, and it takes a while para mag-recover," say niya. 

"At first, I had Gore-Tex (implant). Ni-reject din siya ng katawan ko right ahead... Tapos itong pangalawa, ito na ‘yung ngayon, at nagkaroon na naman ako ng complication," kuwento niya.

"Alam niyo naman din na very open ako sa mga ginagawa ko, sa pagiging robot ko or pagiging android ko," sabi niya. 

Kasunod nito ay nagpasalamat din si Katrina sa kanyang mga supporters.

"Thank you sa mga nag-reach out sa akin. Sa mga nag-worry, okay lang ako, mga bes," say niya.

"Kalma lang kayo dyan mga mami, okay naman na ako… Ilang days nalang mag sing na ako ulit… And the vamfyr will feyt to all of us…Salamat sa inyo… Have a good night," dagdag pa niya.

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph