Maynilad main line sa Tondo, nasira


Aksidenteng nasira ang pangunahing water pipeline ng Maynilad sa Nicolas Zamora Street sa Tondo, Maynila, nitong Huwebes.
Ang insidente ay kinasangkutan ng JBROS Construction Corporation, isang third-party contractor na nagsasagawa ng konstruksyon ng New Pritil Market.
Agad na rumesponde ang Maynilad at nagsagawa ng assessment upang matukoy ang lawak ng pinsala at ang kailangang pagkukumpuni.
Sa kasalukuyan, wala pang naitatalang service interruption. Gayunman, maaaring magkaroon ng pansamantalang pagkaantala ng suplay ng tubig sa oras na magsimula ang repair works. Posible ring maapektuhan ang ilang lugar sa South ng pansamantalang pagkawala ng tubig.
Pinapayuhan ang mga customer na mag-abang ng karagdagang abiso mula sa Maynilad.
Housing is probably the biggest issue affecting people the world over.
Malacañang on Monday called for a more thorough investigation into the questioned flood control projects in Taguig…
The defense on Monday backed the move by senator-judges to exclude a prosecution witness who testified on the firearms…