Bagong PNP chief bumuwelta kay ‘Baste’


Hindi pinalampas ni bagong Philippine National Police (PNP) chief Police General Nicolas Torre III ang pagpuna ni Davao City vice mayor-elect Sebastian Duterte nitong nakaraan kung saan sinabi ng bise alkalde na 2-star general lamang siya bago siya nahirang bilang bagong PNP chief.
Ayon kay Torre, dapat balikan ni Baste ang panahon ng administrasyon ng kaniyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte nang hirangin nito na unang PNP chief ng kaniyang administasyon ang senador na ngayon na si Ronald “Bato” dela Rosa.
Dagdag pa niya, 1-star general noon si Dela Rosa (police chief superintendent) pero pinili ng nakatatandang Duterte na PNP Chief noong 2016.
Dahil sa pagiging PNP chief, itinaas ang ranggo ni Dela Rosa sa 4-star general o pag-angat ng tatlong ranggo.
“Okay. I just respect his decision and I respect his opinion. And rewind-rewind lang nang kaunti sa termino naman ng Tatay niya kung sino ang unang Chief PNP, okay," saad ni Torre sa isang press briefing.
“Ano ang ranggo ng unang Chief PNP [ng tatay niya] at ano ang ranggo ko bago ako naging Chief PNP? So, it really goes back to him really. Seriously speaking it goes back to him, okay. The first Chief PNP of his father is a one-star na naging automatic four-star. Did he ask that? Did he question that?,” dagdag niya.
Kung matatandan, bago hirangin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Torre nitong Lunes bilang PNP chief at itinaas ang ranggo sa 4-star general, hawak nito ang posisyon bilang 2-star general na police major general.
Pinalitan ni Torre sa posisyon si Police General Rommel Marbil, na magtatapos sa June 7 ang pinalawig na termino.
Samantala, ginawa ni Baste ang pagpuna sa pagkakatalaga ni Marcos kay Torre bilang PNP chief sa birthday celebration ng kaniyang kapatid na si Vice President Sara Duterte noong Sabado sa the Hague sa Netherlands, kung saan nakadetine ang kanilang ama.
Ayon kay Duterte, hinirang si Torre bilang PNP chief hindi dapat sa merito.
“Government ngayon is not based on merit but tingnan niyo ano nangyari. You have a chief PNP na tatlong ranggo ang tinalunan para maging chief PNP. It's because this is not merit-based promotion. Pabor-pabor-based promotion,” saad ng bise alkalde.
Some couples regard a public marriage proposal as romantic. A pair in China decided to do it during the concert of a…
Tulfo advised the prosecution panel to be more mindful of the lawyers it assigns to present witnesses to keep the…
The attempt to sabotage a flydubai airlines flight may have been intended not only to endanger its 174 passengers but…