
Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

PHOTOGRAPH COURTESY OF EDDYS
What's your take?
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Continue reading
TULOY na tuloy na ang pinakaaabangang 8th EDDYS o Entertainment Editors' Choice ngayong taon mula sa Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd). Magaganap ang espesyal na pagtatanghal ng ikawalong edisyon ng The EDDYS sa Ceremonial Hall Marriott Grand Ballroom sa Newport World Resorts, sa darating na July 20, 2025.
Sa naturang venue rin idinaos ang 7th EDDYS noong nakaraang taon na naging matagumpay at dinaluhan ng mga malalaking pangalan sa entertainment industry.
Ang taunang pagbibigay-parangal ng The EDDYS, mula sa samahan ng mga entertainment editor sa Pilipinas, ay bahagi ng pagkilala at pagpapahalaga ng SPEEd sa mga pelikula, artista at iba pang personalidad na itinuturing na pinakamagagaling sa Philippine Cinema.
May 14 acting at technical awards na ipamimigay sa 8th The EDDYS na pipiliin mula sa mga nominadong pelikula na ipinalabas sa mga sinehan at ilang digital platforms noong 2024.
Bukod sa pagkilala sa mga natatanging pelikula nitong nagdaang taon, magiging highlight din ng pinakaaabangang awards night ang pagbibigay-pugay sa bagong batch ng EDDYS Icons na itinuturing nang mga haligi ng movie industry.
Sila ang mga artista, direktor at iba pang personalidad na hindi matatawaran ang kontribusyon, dedikasyon at pagmamahal sa industriya ng pelikulang Pilipino sa loob ng mahabang panahon.
Ang ilan pa sa mga special award na ipamamahagi ay ang Isah V. Red Award (ang mga walang sawang tumutulong at nagbibigay inspirasyon sa mga kababayan nating nangangailangan), at ang Joe Quirino Award at Manny Pichel Award (para sa mga natatanging miyembro ng entertainment media).
Bukod dito, kikilalanin din sa gabi ng parangal ang Rising Producer of the Year at Producer of the Year.
Muli ring pararangalan ng SPEEd ang mga naging bahagi at lumaban para sa patuloy na pagbangon ng Philippine movie industry sa ikalawang taon nito – ang The EDDYS Box Office Heroes.
Abangan ang iba pang mga detalye tungkol sa inaabangan nang 8th The EDDYS mula sa SPEEd ngayong darating na Hulyo.
Ang SPEEd ay binubuo ng mga current at former entertainment editors ng mga leading broadsheet, top tabloid newspaper at online portals sa Pilipinas sa pamumuno ng presidente nitong si Salve Asis, entertainment editor ng Pilipino Star Ngayon at Pang Masa.