San Juan nakamit ang pinakamataas na functional literacy rate



Naglabas si Bise Presidente Sara Duterte ng pahayag kaugnay ng ikaapat na araw ng kanyang impeachment trial.
Nananatiling nangunguna ang Pilipinas bilang pangunahing tagapagsuplay ng mga seafarer sa buong mundo, ayon sa 2026…

Sinagot ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro ang pahayag ni Davao City Mayor Baste…

Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…
Ipinagmamalaki ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang tagumpay ng lungsod matapos nitong maitala ang pinakamataas na functional literacy rate sa mga highly urbanized cities noong 2024, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Batay sa ulat ng PSA 2024 Functional Literacy, Education and Mass Media Survey (FLEMMS), ang basic literacy ay ang kakayahan ng isang tao na magbasa at magsulat ng isang simpleng mensahe nang may pag-unawa at mag-compute o magsagawa ng mga basic mathematical operations.
Nagtala ang San Juan ng 94.5 porsiyentong functional literacy rate, o humigit-kumulang 95 sa 100 indibidwal sa lungsod ang marunong magbasa, magsulat, magcompute, at umunawa.
Sinundan ito ng Baguio City na may 89.8 percent, Pasig City na may 89.2 percent, Pateros na may 88.1 percent at Makati City na may 87.3 percent.
Sinabi ni Zamora na nagsusumikap ang lokal na pamahalaan para mabigyan ng kaukulang suporta ang mga mag-aaral at guro tulad ng libreng gadgets, libreng fiber optic internet connection sa mga paaralan at sa kani-kanilang tahanan, at 55-inch smart TV bawat silid-aralan.
Maliban dito, sinabi rin ni Zamora na ang lokal na pamahalaan ay nagbibigay ng libreng school uniforms at customized rubber shoes, emergency go bags, bago at modernong pasilidad, financial assistance at incentives.