

Heaven na heaven ang feels ni Heaven Peralejo matapos siyang hiranging best actress sa Second Jinseo Arigato International Film Festival para sa pelikulang “Lilim.”
Ang “Lilim” na ang nagdirehe ay si Mikhail Red ay isang kagimbal-gimbal na kwento tungkol sa dalawang magkapatid, sina Issa (Peralejo) at Tomas (Skywalker David) na piniling maging kanlungan ang isang liblib na bahay ampunan. Sa kanilang pagtatago dito, kanilang natuklasan ang kakaibang gawi at ritwal ng mga madreng tagapagpamahala sa bahay ampunan.
Maliban kay David, ang iba pang artistang kasama sa pelikula ay sina Eula Valdez, Ryza Cenon, Nicole Amillo, Phoebe Walker, Rafa Siguion Reyna, Gold Aceron at Mon Confiado.
Sa kanyang Instagram post, ibinida ni Heaven ang pagtanggap niya ng award sa Nagoya, Japan.
“Still in disbelief. Thank you for seeing me. Thank you for hearing me,” pahayag ng aktres.
Pinasalamatan din ni Heaven ang kanyang mga nakatrabaho sa “Lilim,” ang direktor ng pelikula na si Mikhail Red, at ang kanyang ina.
“Thank you, Jinseo Arigato International Film Festival for this incredible honor. To be recognized for something I love with all my heart—it means the world.”
“With all my heart, Hontou ni arigatou gozaimasu,” dagdag pa ni Heaven.
Binati naman ng mga kapwa niya artista si Heaven sa karangalang nakuha niya.
Hindi ba akmang-akma talaga na heaven na heaven ang pakiramdam ni Heaven Peralejo dahil sa kanyang viktoria.
**
Sa Sabado at Linggo na ang Simula at Wakas kick off concert ng SB19, ang PPop Kings na binubuo nina John Pablo Nase, Josh Cullen Santos, Justin De Dios, Stell Ajero at Ken Suson. Sold out sa loob ng pitong oras ang bentahan ng tiket sa merkado na mangyayari sa Philippine Arena. At habang tinitipa namin ang pitak na ito, malapit na ring mag-sold out ang kanilang pangalawang gabi sa nasabing concert venue.
Ang iba pang konsiyerto nila ay sa darating na Hunyo 29 sa Taipei, Hulyo 11 sa San Francisco, USA; Hulyo 18 sa Toronto, Canada; Hulyo 20 sa Calgary; Hulyo 26 sa Vancouver, at Hulyo 26 sa Calfornia. Para sa iba pang concert stops, puntaham lamang ang SB19 official pages para malaman kung saan ito.
Tatlong kanta mula sa “Simula at Wakas” album ang umukit ng kasaysayan sa world pop merkado, ito ay ang “Dam,” “Dungka” at “Time.”
Kamakailan, ang Southeast Asian Superstar Pop Group ay nagkaroon ng pagpupulong sa iba pang Southeast Asian pop artists sa kanilang 1Z Entertainment Office at ang Sony Music ang kanilang katuwang sa nasabing kaganapan.