Susunod na PNP chief ‘excellent choice,’ ayon sa DILG

(FILE PHOTO) DILG Secretary Juanito Victor “Jonvic” Remulla
Photo from PNA

(FILE PHOTO) DILG Secretary Juanito Victor “Jonvic” Remulla
Photo from PNA

Naglabas si Bise Presidente Sara Duterte ng pahayag kaugnay ng ikaapat na araw ng kanyang impeachment trial.
Nananatiling nangunguna ang Pilipinas bilang pangunahing tagapagsuplay ng mga seafarer sa buong mundo, ayon sa 2026…

Sinagot ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro ang pahayag ni Davao City Mayor Baste…

Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…
Inihayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na isang “excellent choice” umano ang napili ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para maging susunod na hepe ng Philippine National Police (PNP).
Mismong si Remulla ang nagkumpirma na nakapili na ang Pangulo ng bagong lider ng Pambansang Pulisya bilang matatapos na ang termino ni PNP chief Police General Rommel Francisco Marbil sa Hunyo 7.
Ayon sa DILG chief, “very qualified, very dynamic” at malinis na malinis ang track record ng napili ng Pangulo.
Subalit hindi muna pinangalanan ng kalihim ang sususnod na hepe at inihayag na hintayin ang magiging anunsyo ng Pangulo sa mga sususnod na raw tungkol dito.
Nauna dito, pinayuhan ni Remulla ang sususnod na hepe na dapat ay mayroon nang established na mission at vision ang PNP at mas mainam aniya kung mayroong iisang continuing vision ang kanilang hanay para hindi paiba-iba ang direktiba, programa at reporma na ginagawa sa loob ng organisasyon.
Ito sana ay sundin sa mga sususnod na taon kahit sino pa man ang mga magiging sususnod na hepe ng PNP.