EDSA, isa kang sumpa



Naglabas si Bise Presidente Sara Duterte ng pahayag kaugnay ng ikaapat na araw ng kanyang impeachment trial.
Nananatiling nangunguna ang Pilipinas bilang pangunahing tagapagsuplay ng mga seafarer sa buong mundo, ayon sa 2026…

Sinagot ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro ang pahayag ni Davao City Mayor Baste…

Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…
EDSA. Isang salita, maraming kahulugan. Sa romantiko, ito raw ang simbolo ng pag-asa. Sa motorista, ito ay sumpa, trapiko, init at inip. 'Yung tipong kahit si Buddha, posibleng mawalan ng pasensya sa Ortigas flyover.
Araw-araw, lampas 400,000 sasakyan ang dumaraan dito. Ang disenyo? Pang-250,000 lang. Parang sinehang pang-50 katao pero 200 ang pinapasok.
Pero sige lang, pasok pa more. Standing room only, or libre kandong sa kahit hindi kakilala.
Ngayon, may plano raw. Hindi na patch-patch na parang panakip-butas sa relasyon. Hindi na gunk gunk lang sa lubak. “Rebuild once and for all,” sabi raw ni PBBM. Wow. Sana all.
2027 ang target. Kulang na tatlong taon ng siksikan, singitan at sigawan. Tatlong taon ng "gusto ko na lang lumipad."
Pero teka – bakit ngayon lang? Ilang dekada na ang lumipas mula nung naging catwalk ng People Power ang EDSA. Pero nang bumagsak si Marcos Sr., pinalitan ng mga lider na… well, sabihin na lang nating hindi eksaktong mga bayani ng bayan.
At ngayon, si Junior, gusto raw ayusin. I-rebuild. Hindi lang kalsada, kundi pati imahe, kasaysayan (?), at baka pati karma.
Kung matuloy nga ito, at kung hindi maging tuloy-tuloy ang palusot at shortcut -- baka, baka lang -- mabigyan ng bagong kahulugan ang EDSA. Hindi lang “trapiko,” kundi pag-asa na may gumagana pa sa gobyerno. Kahit minsan lang. Kahit sa wakas.
Pero habang wala pa ang 2027, tara. Usad-pagong ulit.