NCAP violators pumalo sa higit 500

Aram Lascano

Aram Lascano

Naglabas si Bise Presidente Sara Duterte ng pahayag kaugnay ng ikaapat na araw ng kanyang impeachment trial.
Nananatiling nangunguna ang Pilipinas bilang pangunahing tagapagsuplay ng mga seafarer sa buong mundo, ayon sa 2026…

Sinagot ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro ang pahayag ni Davao City Mayor Baste…

Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…
Sa pagsisimula ng No Contact Apprehension Policy (NCAP) sa Metro Manila nitong Lunes kung saan gumagamit na ng mga Artificial Intelligence (AI) cameras sa ilang lugar para ma-detect ang mga motorista na lumalabag sa batas trapiko, pumalo sa 582 ang mga confirmed at validated violators ng naturang polisiya.
Ito ay mula alas-sais ng umaga nitong Lunes.
Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairperson Atty. Don Artes na ang assessment sa pagsisimula ang NCAP ay mistulang natakot na ang mga motorista na lumabag sa batas trapiko.
Dagdag pa niya, makikita talaga sa command center ng MMDA ang lahat ng lalabag at malinaw na makikita ang mga plate numbers pati na rin ang violations na ginawa ay natutukoy agad.
Nilinaw rin ni Artes na walang umaong magiging penalty o interes ang multa ng violation kung hindi ito nabayaran agad dahil na rin malinaw sa kanila na sa mail nila ito ipinapadala kaya maaaring magtagal.
Kaugnay nito, nakikipag-ugnayan na rin sila sa mga telecommunication companies para iimplement ang maayos at mabilis na text notice para sa polisiyang ito.
Samantala, sinigurado rin ni Artes sa publiko na hindi dahil na-detect ng AI cameras ang mga violators agad na itong iissuehan ng sulat.
Paliwanag niya, matapos ma-detect ng AI ay ito ay mano-mano nilang iveverify para matiyak na tama talaga ang nakuhang impormasyon ng motorista at ang violations nito. Sunod na nilang papadalhan ng sulat.
Sinabi pa ni Artes na target ng NCAP ang pagdidisiplina sa mga motorista.