DILG: ‘Work from Hague’ hindi uubra kay Digong


Three decades after the Marcopper mining disaster devastated Marinduque’s waterways, the province is again pressing the…
Housing is probably the biggest issue affecting people the world over.
Malacañang on Monday called for a more thorough investigation into the questioned flood control projects in Taguig…
The defense on Monday backed the move by senator-judges to exclude a prosecution witness who testified on the firearms…
Inihayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla nitong Lunes na malabo umanong payagan ang “work from Hague” para kay dating Pangulong Rodrigo Duterte ngayong nanalo ito bilang mayor ng Davao City nitong nakaraang eleksyon.
Ayon kay Remulla, ipapaalam niya sa International Criminal Court (ICC) kung maaaring ipadala ng Pilipinas ang isang konsul upang manumpa si Duterte bilang alkalde ng Davao City.
Kung matatandaan, naideklara si Duterte bilang Davao City mayor sa kabila ng kanyang pagkakakulong sa ICC dahil sa mga alegasyon ng crime against humanity.
Nanalo si Duterte na may mahigit 662,000 boto laban sa kanyang katunggali na si Karlo Nograles, na nakakuha lamang ng 80,000 boto.
Sinabi rin ni Remulla na pansamantalang acting mayor ang anak ni Duterte na si Vice Mayor Sebastian Duterte sa panahong wala pa ang dating Pangulo sa bansa.