Boracay ligtas pa rin, saad ng PNP


Inihayag ng Philippine National Police (PNP) nitong Lunes na ligtas pa rin ang Boracay Island sa kabila ng insidente ng pananakit sa anak at pamangkin ni Senador Jinggoy Estrada noong Sabado.
Sa isang pahayag, sinabi ni Police Lt. Col. Mar Joseph Ravelo, hepe ng pulisya ng Malay, Aklan na priority parin nila ang kaligtasan ng mga bumibisita sa isla.
Kung matatandaan, bandang alas-2 ng umaga nang napaulat na sinaktan sina Julian Ejercito at ang kanyang pinsan habang naglalakad sa front beach.
Nakilala sila ng tatlong lalaking suspek mula sa loob ng isang bar at sinundan palabas, bago sila bugbugin na kapwa nagtamo naman ng head at facial injuries.
Ayon kay Estrada, ang insidente ay “senseless act,” habang itinuturing naman ng PNP ang insidente bilang “isolated case” at hindi sumasalamin sa kabuuang peace and order situation.
Sa ngayon ay arestado na ang dalawang suspek sa pambubugbog at nagsampa narin ang Aklan Provincial Prosecutor’s Office ng kasong physical injuries laban sa mga ito.
Three decades after the Marcopper mining disaster devastated Marinduque’s waterways, the province is again pressing the…
Housing is probably the biggest issue affecting people the world over.
Malacañang on Monday called for a more thorough investigation into the questioned flood control projects in Taguig…
The defense on Monday backed the move by senator-judges to exclude a prosecution witness who testified on the firearms…