
Nagpaliwanag ang Vivamax actress na si Karen Lopez sa Facebook dahil sa biglaan niyang pagkawala.
Sa kanyang statement, ipinaliwanag ni Karen na kailangan niyang i-prioritize ang kanyang well-being dahil sa mga pinagdaanan niyang mental and emotional difficulties.
“Pasensya na talaga kung bigla akong nawala nitong mga nakaraang araw. Nanghihingi po ako ng paumanhin, sobrang sorry talaga sa lahat,” say niya.
“Kailangan ko lang munang magpahinga at mag-focus sa sarili. Dumaan ako sa mga bagay na medyo mabigat mentally and emotionally, at napagtanto kong kailangan kong unahin ang well-being ko- even if that meant stepping back for a while,” paliwanag niya.
Nagpasalamat si Karen sa mga nag-alala sa kanyang pagkawala.
“Alam kong may ilan sa inyo ang nag-alala o nagtaka, at sobrang na-appreciate ko ang messages at support ninyo,” say niya.
Nangako si Karen na magbabalik na siya sa showbiz.
“Slowly, I’m getting better and trying to come back stronger, one step at a time,” say niya.
“Salamat sa mga nakaintindi, sa mga nag-reach out, at sa mga patuloy na nandyan. Slowly but surely, I’m getting back on track. Appreciate you all so much!” dagdag pa niya.