
MAYMAY Entrata: Mahal kong Inay, isang malaking karangalan na ikaw ang naging Inay ko. LARAWAN MULA SA FACEBOOK

MAYMAY Entrata: Huwag kayong maghintay ng huli bago magsimulang magmahal nang buo. LARAWAN MULA SA FACEBOOK
Kasalukuyang nagluluksa ang Kapamilya star na si Maymay Entrata sa pagkamatay ng kanyang inang nasa Japan.
Sa kanyang Instagram account ay nag-post si Maymay ng isang video kasama ang kanyang ina kalakip ang isang mahabang mensahe.
"Mahal kong Inay, Isang malaking karangalan na ikaw ang naging Inay ko. Matapang mong hinarap ang lahat ng pagsubok at sakrpisyo para maitaguyod kaming buong pamilya," say niya.
Bagama't mami-miss niya ang kanyang ina, sinabi ni Maymay na dadalhin niya habang buhay ang mga turo ng kanyang ina.
"Mamimiss kita Inay, mamimiss ko ang taong nagmahal at habang buhay mamahalin ako ng buo. Sayo ko natutunan ang magmahal ng walang kapalit at habang buhay dala-dala ko lahat ng natutunan ko mula sayo. Maraming salamat sa iniwan mong kayamanan Inay, kayamanang hindi galing sa lupa pero kayamanang galing sa pagmahahal na walang katumbas. Mahal na mahal kita Inay ko at wala akong pinagsisihan sa lahat ng sakrpisyo kong makita ka lang maging masaya lagi. Hanggang sa muli nating pagkikita mahal kong Inay."
Sa huli ay may payo si Maymay sa mga taong buhay pa ang mga magulang.
"Ps. Eto ang isa sa mga huli kong sinabi kay Inay bago siya pumanaw kaya hangga’t maaari, kasama n’yo pa ang mahal n’yo sa buhay.. yakapin nyo sila, iparamdam nyo kung gaano nyo sila kamahal, at huwag n’yong sayangin ang kahit isang araw na hindi ipinapakita po yon. Sapagkat darating ang araw na ang mga yakap ay alaala na lang, at ang mga salitang hindi nasabi ay magiging bigat sa puso. Huwag kayong maghintay ng huli bago magsimulang magmahal nang buo."