SUBSCRIBE NOW SUPPORT US

Andrea Brillantes bagong ‘Bieber baby’

Alwin Ignacio The Diva View
Published on
NAG-FOLLOW lang naman kay Andrea Brillantes sa Instagram ang international singer na si Justin Bieber.
NAG-FOLLOW lang naman kay Andrea Brillantes sa Instagram ang international singer na si Justin Bieber. Facebook

Si Andrea Brillantes, talagang namumulaklak ang kagandahan kaya walang nagtaka at mas lalong walang nahibang nung siya ang itinanghal na numero unong babae sa listahan ng TC Candler’s “The 100 Most Beautiful Faces” noong isang taon.

Siksik, liglig at umaapaw talaga ang ganda at rikit ni Blythe kasi nga, bago mahirang sa pangunahging numero, nasa pang labing-anim lamang ang BFF ni Kyle Echarri, huh!  Ang TC Candler and Independent Critics ang siyang nagpasimuno kung sino ang pasok sa banga at listahan na pinipili mula sa 40 bansa sa buong mundo.

Kaya nga nung napagtanto na nag-follow lang naman sa kanya sa Instagram ang international singer na si Justin Bieber, ay! Ikaw na talaga Andrea ang bukod tanging pinagpala sa lahat, siyang tunay.

Parang gustong magdabog ng bangs ni Hailey Rhode Baldwin-Beaver kung sakaling ang susunod na kabanata sa pag-follow na ito ni Justin eh gawin niyang bagong Bieber baby si Brillantes. Ay! Ay! Ay ang pag-ibig! Mas lalong kaiinggitan ang best in alindog na si Andrea kung saka-sakaling ipag-aadya at papayagan ng buong pwersa mula sa sansinukob, hindi ba naman?

Pero dito muna tayo sa ginawang pagpa-follow sa kanya ni Justin, may best in audience impact ang galawang ito mula sa Canadian pop superstar kasi nga sa IG ay may 294 million ang followers niya, 835 lang ang pina-follow nito at isa na nga ang ating Andrea Brillantes sa listahan ng mga piling-piling nilalang na kanyang sinusundan.

Happy siempre ang team Blythe at sangrekwang fandoms niya na super aroused ang curiosity ni Justin kay Andrea. Bonggang-bongga! Palong-palo! Wapak na wapak!

Ang tanong mula sa pangkat katkatera at batalyong dalahira, may reaction kaya ang pinaka-malapit na binata ngayon kay Brillantes, si Samuel Abu Hijle sa kaganapang ito? At kung saka-sakaling nakatakda talaga na hindi lang sa IG ang platform para kay Justin at Blythe at nag-manifest ito sa isang marubdob na romansahan, ano ang dapat nating gawin?

Ideklara si Andrea Brillantas bilang Gen Z diyosa ng kagandahan at pag-ibig o dapat wag na siyang magpahara-hara kung saan-saan kasi abangers na ang team gurlis girls sa kanya? Hahahaha! Ay! Ang savage!

 ***

Ngayong napatunayan na may tatlong kasali sa BINI na hindi naman pala talaga sinasapuso at inilalagay sa kanilang utak kung ano nga ba talaga ang kahulugan at importansya ng salitang “woman empowerment,” itigil na nila ang pagpapanngap at paggamit sa nasabing salita.

Gawin na lang nila ay magpraktis in a major, major way para mas gumanda ang kanilang mga boses, lalo na sa aspektong tono at harmonies, at para makakanta talaga sila ng walang back track at hindi maakusahan na mga dahil sa mahjika at siyensa ng auto-tune kaya sila nakaka-awit.

Mag-concentrate na rin muna sila sa promo para sa concert tour nila sa ibang bansa na sa labing apat na lugar na kanilang pupuntahan, isa pa lang ang sold out na venue. Sa mga nalalabi pa nilang venue, mas marami pa rito na ang bagal-bagal maabot ang sold out status.

Naku, naku, naku, tila ang ambisyon nilang world tour, spaghetting pababa ang pagtanggap at bentahan, huh!

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph