Janine Gutierrez at Jericho Rosales mag-jowa na


MAY emotional anchor at support si Janine Gutierrez mula sa award winning artistang si Rosales.
Palakpakan na may kasamang sigawan ang dapat nating igawad kina Janine Gutierrez at Jericho Rosales kasi nga in a relasyon na ang kanilang estado.
Oo, sis, walang halong pag-iimbot at buong katapatan nga ang pag-amin ni Rosales sa tamis-tamisan nilang pagmamahalan ni Gutierrez na nangyari sa burol ni Asia’s Queen of Songs na si Pilita Corrales, na isa sa mga lola dearest na namayapa ni Janine. Nauna nga lang si Mamita Pilita at makaraan ang isang linggo lang yata, ang lola naman niyang si Ms, Nora Aunor, ang tinaguriang Philippine superstar at Pambansang Alagad ng Sining para sa Pelikula at Broadcast Arts naman ang sumakabilang buhay.
Kahit double whammy ang death sa pamilya ni Janine, malaking bagay para sa mahusay na aktres ang katotohanang may emotional anchor at support siya mula sa award winning artistang si Rosales.
Ang pag-amin ni Echo ay mapapanood sa isang bidyo kung saan sa simula, nagpakilala pa ito. May pahayag pa ang mahusay na actor sa bidyo na may close connection siya sa pamilya ng mga Gutierrez.
Sabi pa ni Jericho, ang nanay niya ay fan ni Mamita Pilita kaya sobra niyang binibigyang halaga ang mga alalala niya.
Hindi na rin pinigil pa ni Jericho ang sarili at ibinunghalit niya na siya nga ay boyfriend ni Janine.
Sa totoo lang, sa ginawa ni Jericho, naalala ko yung mga linyahan sa “My Best Friend’s Wedding” kung saan sinabi ni Michael, ang katauhang binigyang buhay ni Dermont Mulroney na: “Kimmy says, you say it, you say it right then, out loud. Otherwise, the moment passes you by.”
Oh di ba, talagang best in pagiging Mister Spontaneous ang pinaka naging matagumpay na Mister Pogi, huh! Kaya sa mga nag-aampalaya diyan, sorry na lang kayo dahil para kay Jericho Rosales, pag mahal niya, ipaalam niya sa lahat at hindi siya mag-iinarte na dapat eh may tamang panahon at lugar para sabihin na kasintahan niya ang diyosa ng kagandahan at pagmamahalan, ang natatanging si Janine Gutierrez!
***
Mabuti naman at tapos na ang ka-cheapan ni Jojo Mendrez at ang diumanong utangero at nagbantang susunugin daw ang kanyang bahay na si Mark Herras. Gising sa ilusyon si Jojo at kumilos ng ayon sa iyong ganda, pwede ba? Kaloka!
At dahil mga tapos na ang katatawanang hatid nilang dalawa, ang mga baklang may angking husay na malikhaing pagsusulat, ang kinakatkat naman sa social media ay ang mga starlet na sa kasalukuyan ay nakakulong pero hindi naman timbog pa sa bahay ni kuya sina Dustin Yu at Brent Manalo.
Ang mga isyu ng ipinupukol sa dalawa ay may sangkap na kabaklaan siempre pa at ang mga imbentor nito, ayaw paawat, huh!
Diumano, itong si Dustin eh best in use me in a sentence. At may mga naging azucarera de maricon daw ito na mamahalin ang mga hinahatag at inaalay sa kanya. How true, how true na ang mga dole outs daw eh condo, kotse at kung anu-ano pa at mga maricon eh mas bitter pa sa ampalaya kaya habang kinukubli ang mga pagkatao sa Ekis sa account na fictional ang name at walang larawan, dun super spill the beans and tea ang mga dalahira!
Si this boy from La Salle naman na si Manalo, panalong-panalo daw ang isang beki na naging big time kasintahan niya noong mag-aaral pa lamang sa center of the La Sallite sansinukob sa Taft. How true? How false?
Mga baklang katkatera, umayos kayo. Ilabas ang mga resibo at patotoo para hindi habi-habing hanash ang mga bala niyo noh!
