Pope Francis, pumanaw sa edad na 88


Pumanaw na si Pope Francis, ang kauna-unahang Latin American leader ng Roman Catholic Church, sa edad na 88 nitong Lunes oras sa Pilipinas.
Ayon sa video statement mula sa Vatican, nakipagpakita si Pope Francis at pinasalamatan ang medical team na umasikaso at nagligtas sa kaniya sa limang linggo niyang pagkakaratay sa ospital dahil sa double pneumonia.
Mahina ang boses pero walang suot na oxygen ang Santo Papa nang pasalamatan niya ang medical team na binubuo ng nasa 70 doktor at mga staff mula sa Gemelli Hospital sa Rome.
"Thank you for your service in hospital," saad ni Pope Francice. "It is very good. Keep going like this."
Nitong Easter Sunday lamang ay pumasok pa si Pope Francis sa St. Peter's Square sakay ng open-air popemobile, na kauna-unahang niyang ginawa mula nang makalabas ng ospital.
Sinalubong siya ng libu-libong Katoliko na may bitbit na mga watawat ng kanilang mga bansa at sumisigaw ng "viva il papa!" at ilang beses din na sandaling tumigil ang popemobile sa square, upang batiin at basbasan ang mga tao, may sanggol din na inilapit sa kaniya.
Binasa naman ng kaniyang tauhan ang kaniyang Easter message mula sa balkonahe ng St. Peter's Basilica, kung saan binigyan-diin ng Santo Papa ang agarang tigil-putukan sa Gaza.
"I express my closeness to the sufferings ... of all the Israeli people and the Palestinian people," saad niya sa mensahe. "I appeal to the warring parties: call a ceasefire, release the hostages and come to the aid of a starving people that aspires to a future of peace."
Housing is probably the biggest issue affecting people the world over.
Malacañang on Monday called for a more thorough investigation into the questioned flood control projects in Taguig…
The defense on Monday backed the move by senator-judges to exclude a prosecution witness who testified on the firearms…