

Si Enrique Gil ay itatambal kay Ivana Alawi.
Yan ang chika, na magtatambal sila for the first time sa isang TV series.
Hindi pa malinaw kung sa isang TV series ng ABS-CBN sila magsasama o kung sa TV 5 dahil pumirma si Enrique sa Media Quest na pag-aari ng nasabing network.
Ang TV series na pagsasamahan ng dalawa kung sakali ay ang hudyat ng pagbabalik nila sa television after an absence of many years for Enrique at halos isang taon for Ivana na huling napanood sa “Batang Quiapo” na pinagbibidahan ni Coco Martin.
Anyway, hati ang publiko sa posibleng pagsasama nina Ivana at Enrique.
Pwd pag maganda proyekto cgurado maganda kalalabasan nYan.
"Mas bagay sila ni jane de leon, mas malakas lang online si ivana, pero mas mukhang matured si ivana kahit 28 pa sya at 33 nmn si enrique."
"Mas bagay at hot tingnan pag Ivanna and James Reid."