Arjo Atayde hindi napigilang mapaluha sa kanyang SODA


REP. Arjo Atayde: Wala po ako rito kung hindi dahil sa inyong tiwala—isang tiwalang hindi ko kailanman ipagwawalang-bahala.
LARAWAN MULA SA FACEBOOK
Ang isa sa pinakamahusay na aktor ng kanyang henerasyon, si Arjo Atayde, na nanunungkulan at tumatayong kinatawan ng Quezon City District I, hindi napigilang maging emosyonal, at may pagkakataong napaluha pa nga siya, habang ibinabahagi ang kanyang komprehensibong State of the District Address (SODA) sa isang pulong balitaan na ginanap sa Skydome ng SM City North EDSA.
Sa kanyang binasang pag-uulat, inilahad ni Representante Juan Carlos Atayde ang mahigit sa 400,000 mga tao ang nabigyang kalinga, tulong at malasakit dahil sa mga programa at proyektong pinasimunuan at patuloy na ginagawa sa “Aksyon Agad.”
“Sa ilalim ng Aksyon Agad, naisakatuparan natin ang mga programang may direktang epekto sa pang-araw-araw na buhay ng ating mga mamamayan,” pahayag ni Atayde. .
Ilan sa mga matagumpay na kaganapang ibinihagi ni Representante Atayde sa kanyang talumpati ay ang mga sumusunod:
– 11,498 mangagawa ang nabigyang pagkakataon para magkatrabaho sa pamamagitan ng TUPAD emergency employment program
– 1,500 aplikante ang nagkaroon ng trabaho sa ibang bansa dahil sa Taiwan Job Fair
– 1,100 residente mula sa QC District 1 ang nagkaroon ng mga pagsasanay at panibagong kaalaman mula sa TESDA at iba pang inisyatibong pangkabuhayan
– 245 maliit na negosyane ay biniyayaan ng ₱15,000 capital mula sa Sustainable Livelihood Program
– 60 dialysis patients kada araw ay nabigyan ng libreng gamutan sa bagong facility ng distrito
– 75,466 mga tao ang nagka-medical assistance
– 4,598 mag-aaral ay tumanggap ng CHED educational aid, at 1,410 scholars ay may suporta mula sa Tulong Dunong at SMART
– 132,57 pamilya ay tumatanggap ng libreng bigas mula sa Rice Distribution Program
– 65,300 residents ang may lbreng pagkain mula sa Kusina on Wheels
– 64,000 pamilya ang may tinanggap na Pamaskong Handog
– 7,789 pamilyang nasunugan ang tinulungan at 3,501 families ay binigyan ng burial assistance
– 40,684 katauhan ang binigyan ng tulong pinansyal para sa iba’t ibang mga pangangailangan.
Ayon kay Kinatawan Atayde, “Sa bawat pisong inilalaan ng gobyerno para sa ating distrito, sinisigurado nating walang nasasayang—lahat ay napupunta sa programang direktang makakatulong sa inyo.”
“Public service is not about grand gestures or sweet words—ito ay ang mabilis, epektibo, at tunay na pagtugon sa pangangailangan ng tao… Projects or numbers are not at the core of Aksyon Agad, kundi ang bawat taong natulungan at bawat pamilyang naiangat,” paglalahad niya sa kanyang ulat at talumpati.
Sa sektor ng edukasyon at kapakanan at ikahuhusay ng mga kabataan, kanyang ibinahagi na: “Sa pamamagitan ng CHED Educational Assistance, 4,598 mag-aaral ang nabigyan ng suporta para maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral” at “a total of ₱2,817,000 in cash allowance ang naipamahagi sa 929 senior high school students sa ilalim ng Tulong Eskwela Program.”
Binigyang diin rin ni Kinatawan Atayde sa kanyang pag-uulat ang halaga ng sports development. 987 batang atleta ang suportado ng Alsyon Agad Sports Program habang ang Inter-Barangay Youth Program at Council League na inilunsad sa una niyang termino ay mas palalawigin para mas patatagin pa ang pagkakaisa at disipilina.
“Next year, the program will expand to include badminton, chess, darts and bowling—giving more residents the opportunity to participate and strengthen community ties,”dagdag ni Atayde.
Sa pagtatapos ng kanyang SODA, pinasalamatan ni Atayde ang kanyang asawang si Maine, amang si Art, nanay na si Sylvia at lahat ng kanyang kapamilya para sa kanilang walang sawang suporta at pagmamahal.
Siempre pa, kanyang pinasalamatan ang kanyang mga constituent sa QC District 1.
Pagtatapos na pahayag ni Kinatawan Arjo Atayde: “ Wala po ako rito kung hindi dahil sa inyong tiwala—isang tiwalang hindi ko kailanman ipagwawalang-bahala. Sa bawat araw na lumilipas, patuloy kong pinagsisikapan na patunayan na karapat-dapat ako sa pagkakataong ibinigay ninyo sa akin…Maraming, maraming salamat, Distrito Uno! Thank you for believing in me; I won't let you down.”
