SUBSCRIBE NOW
SUBSCRIBE NOW

Ivana Alawi pampagana, pangrahuyo sa PBB

alwin ignacio
Published on

Walang duda na si millennial bathaluman Ivana Malawi ang pangmalakasang pampagana at pangrahuyo sa palatuntunang “Pinoy Big Brother Collab Edition” na isinasalang sa GMA 7.

Si Alawi, makakasama ang 15 bagong housemates sa pamosong Bahay ni Kuya. Sa kauna-unahang pagkakataon, may 8 Sparkle talents makakapasok rito at may 7 na magmumula sa Star Magic.

Sa mga sumusubaybay sa palatuntunan, damang-dama ang presensya sa mismong show at grabehan ang positibong reaksyon sa social media ang pagiging bahagi ni Alawi na belle at queen sa bahay. Siya rin ang pinaka-maningning na bituin dito at kayang-kaya niya ang larong “ganda-gandahan” at ang mga lalaking starlet ay hindi pwedeng ikaila na talangang sila ay manghang mangha sa natatanging alindog niya.

Sa social media site naman na X, marami ang nagbubunyi kina Esnyr at Brent Manalo na para sa kanilang mga taga-subaybay ay galawang pang mag-jowa sa bahay. Super sikat ang dalawa lalo na nga’t marami ang nanonood sa kanila sa mga high school life videos na milyon-milyon ang nanonood sa YT.

May clips sa Ekis kung saan makikita na talagang hindi pwedeng itanggi ang pagiging malapit nina Esnyr at young master Manalo. May rebelasyon pa nga si Brent na masaya na kasama niya ang kanyang kaperaha sa bahay at malaking tulong si Esnyr para hindi siya mahirapan at mag-adjust sa palatuntunan.

Marami naman ang humihiling sa si Esnyr ang maging kauna-unahanang gay person na magwagi bilang PBB grand winner at mas lalo pang mamukadkad ang friendship nila ni young Manalo.

Isa pang housemate na pinagkakagulugan sa Ekis ay si River Joseph. Prince Charming na Pinoy ang turing sa binatang makisig, guapo, matamis ang pag-ngiti, full of expression ang mga mata, at lalaking-lalaki ang datingan.

May Ivana Alawi na, may Esnyr at Brent Manalo pa, may River Joseph pa na papable papa, sa wakas, may primetime show na sa Kamuning network na may talagang nanonood, huh!

***

Marami naming dahilan para papurihan ang SB19 pati na rin ang bago nilang awit na “DAM” dahil siksik, liglig at umaapaw ang tagumpay nito.

Sa opisyal na channel ng SB19 sa YouTube, labing isang araw matapos itong lumabas sa online merkado, number one trending ito sa music at may halos 13 million views and counting na ito.

Sa Billboard World Digital Songs Sales Chart, ang SB19 at ang kanilang kantang DAM ay nasa unang pwesto at ang Southeast Asian Pop Superstar Group, ang kauna-unahang mga Pilipinong mang-aawit na nanguna sa nasabing worldwide listahan. Ang ibig sabihin nito ay “pure sales” ito sa Amerika. Nagpapakitang may tunay na mga nagmamahal sa SB19 at pangmalakasan ang fuerza at purchasing powers ng mga US ATIN.

Sa UK Official Downloads Charts, pang-apat ang SB19’s Dam. Sa Chartmetric para sa KPOP Artists, pang-anim ito at nag-iisang PPop song sa listahan na pawang KPop artists ang namamayagpag.

Kaya ano pa nga ba blooming ang dapat nating sabihin, Pablo Nase, Josh Cullen Santos, Justin De Dios, Ken Suson at Stell Ajero, PPop Kings SB19, at siyempre pa ang ATIN, mabuhay kayo, mahuhusay kayo! Dam! Ano ba Talaga ang pakiramdam!

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph