Pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte kumpirmado


Kinumpirma ng Palasyo ng Malakanyang ang pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos matanggap ng INTERPOL Manila ang opisyal na kopya ng warrant of arrest mula sa International Criminal Court o ICC kaninang madaling araw.
Dumating sa bansa ang dating Pangulo at ang kanyang grupo sakay ng isang commercial flight mula sa Hong Kong kaninang alas-9:20 ng umaga.
Agad naman inihain ng Prosecutor General ang ICC notification para sa isang arrest warrant sa dating Pangulo para sa krimen laban sa sangkatauhan o crime against humanity.
Bago ang lahat, tiniyak ng PCO ang kalusugan ni Duterte at kanyang mga kasama, siya ay sumailalim sa pagsusuri ng mga doktor ng gobyerno upang masiguro na nasa maayos na kalagayan ng dating Pangulo.
Housing is probably the biggest issue affecting people the world over.
Malacañang on Monday called for a more thorough investigation into the questioned flood control projects in Taguig…
The defense on Monday backed the move by senator-judges to exclude a prosecution witness who testified on the firearms…