SUBSCRIBE NOW SUPPORT US

Sharon Cuneta at Janice de Belen, tinotoo ang sampalan!

alwin ignacio
Published on

Walang panahon sa plastikan. Talagang nagpisikalan at puksaan. Totoong-totoo at walang daya ang sampalan nina Janice de Belen at Sharon Cuneta sa primetime dramang “Saving Grace.” Ang kanilang mga katauhang binibigyang buhay sa drama na ang bida ay si Zia Grace ay sina Helen Sarmiento (Janice) at Miranda Valdez (Sharon).

“Kasi pag may sampalan, gusto mo take one lang kasi nakakasakit ka eh. Wag na tayong umarte, minsan masakit talaga. Ang gusto mo hindi ka ma-take two kasi uulitin mo yun–– masasaktan ka, masasaktan mo siya. You try and make sure that you give your best sa eksenang yun,” pahayag ni Janice.

Aniya pa: “I was very happy to be working with Mega. She’s so professional kasi lalo na sa eksenang nagsampalan kami… It was fun working with her. Siyempre kahit papaano alam kong maraming tao nakaabang na makita kaming magkasama. It was really good working with her.”

Seasoned actresses na sina Janice at Cuneta kaya ang sampalan sa kanilang mga eksenang, “old school,” hindi dinadaya, talagang pangmalakasan ang paglapat ng kanilang mga kamay sa kanilang mga pisngi.

“Ang liit liit na babae ang lakas ng sampal,” pabirong chika ni Sharon. “Pinag-usapan namin talaga na dapat totoo ang sampalan para authentic ang reaksyon at saka para mayanig talaga ang mga mukha namin. Hahahaha. Working with Janice is fun and truly a blessing because she is such a gifted and giving actress.”

Ang isa pang gift para sa dalawang award winning na mga aktres ay ang makatrabaho ang magaling na batang aktres si Zia Grace, na siyang bidang-bida sa Philippine adaptation ng pamosong international drama.

Paniniyak ni Cuneta: “Lalong madudurog ang puso ng mga free TV viewers dahil buong-buo nang mapapanood ang drama at may mga bagong eksena na hindi kasama sa original on line screening nito ay isinama sa gabi-gabi nitong ipapalabas sa primetime TV.”

Pahayag naman ni Janice na naging child actress dati: “Malaking rebelasyon din sa serye si Zia, grabe ang hugot at husay niya kaya deserving siya to be called na bagong child wonder sa Philippine showbiz.”

Bet na bet ng mga manonood ang “Saving Grace” dahil sa mahusay na pagganap ng cast sa kwentong sumasalamin sa mga sakripisyo ng bawat ina para sa kani-kanilang mga anak.

Ang “Saving Grace: The Untold Story" ay tungkol sa pag-kidnap ni Anna (Julia) sa estudyante niyang si Grace (Zia) nang malaman niya ang pang-aabusong natatanggap nito mula sa sariling ina. Mas lalong matutuklasan din sa serye ang iba’t ibang kwento sa likod ng masalimuot na nakaraan ng apat na nanay na ginagampanan nina Jennica Garcia, Janice De Belen, Julia, at Sharon.

Ito rin ang nagsisilbing primetime TV comeback nina Julia, Sharon, at Sam.

Tutukan gabi-gabi ang “Saving Grace: The Untold Story” simula ngayong Marso 3 (Lunes) ng 9:30 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live.

Available ang latest episodes nito sa loob ng 21 na araw matapos silang unang ipalabas sa Kapamilya Online Live sa YouTube. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para makanood sa TV5 at A2Z. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph