2 babae, arestado sa pagbebenta ng pampalaglag

Arestado ang dalawang babae sa isang buy-bust operation matapos mahuling nagbebenta ng umano’y pampalaglag sa Palanca Street sa Quiapo, Maynila.
Ayon sa pulisya, isinagawa ang operasyon matapos silang makatanggap ng ulat na ang mga suspek ay nagsusuplay ng mga ipinagbabawal na gamot.
Sa ngayon, nahaharap ang mga naaresto sa kasong paglabag sa batas laban sa illegal na pagbebenta.







