Skip to content
DYARYO TIRADA

Partylist group nahaharap sa disqualification

COMELEC vote counting machine

(FILE PHOTO) Voters are instructed to feed their ballot to the vote counting machine

📷 Yummie Dingding

Text size

Isinampa laban sa Construction Workers Solidarity (CWS) party-list group ang isang disqualification case dahil umano sa pagbili ng boto.

Si Mataas na Kahoy Vice Mayor Jay Manalo ang nagsampa ng petisyon at hiniling na madisqualify si Construction Workers Solidarity (CWS) Representative Edwin Gardiola.

Ito ay nag-ugat mula sa lungsod ng Lipa sa Batangas kung saan ang CWS ay nagbigay umano ng tatlong brand new na sasakyan sa “Last to take hands off challenge.”

Giit ni Manalo, ang ganitong pagbibigay ng kotse ay isang malinaw na paglabag umano sa Omnibus Election Code (OEC) na nagbibigay sa isang kandidato o partido na magbigay ng mga bagay upang makaimpluwensya ng botante isa raw itong klase ng pagbili aniya ng boto.

Ang Omnibus Elections Code at Republic Act 7166 ay nagtatakda lamang ng limitasyon sa gastos ng mga kandidato at partido, ito ay limitado lamang sa P5 bawat rehistradong botante para sa mga independyenteng kandidato at P3 naman kung may partidong sumusuporta.