Taas presyo sa krudo, epektibo ngayong araw

Nagkaroon ng sabay-sabay na pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis ngayong Martes.
Simula alas-sais ng umaga, tumaas ng P0.70 kada litro ang presyo ng gasolina, habang P0.40 naman ang itinaas ng diesel. Samantala, ang presyo ng kerosene ay tumaas ng P0.20 kada litro.
Ayon sa Department of Energy (DoE), ang pagtaas ng presyo ay posibleng dulot ng kaguluhan sa global oil market matapos ang pag-atake sa isang pumping station sa Russia.
Your sign today
Pick your Chinese zodiac sign for a daily forecast by Master Hanz Cua.







