
Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

What's your take?
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Continue reading
Ipinakita ng mga kabataan sa Alemanya sa katatapos na halalan ang kanilang lakas nang pumangalawa ang makakaliwang partido sa dami ng nahalal na kandidato para sa kanilang parlyamento. Sinuportahan ng boto ng mga estudyante ang AfD upang maungusan ang namumunong partido at patalsikin ang lider nito, ang mismong chancellor o lider ng bansa.
Bagaman isa pang partido, ang konserbatibong CDU, ang nanguna upang makapagluklok ng bagong pinuno ng Alemanya, naipadama ng mga estudyante ang kanilang impluwensya sa pulitika.
Samantala, sa Bangladesh, mas matindi ang lakas ng mga estudyante. Bukod sa pagpapatalsik ng kanilang punong ministro upang wakasan ang dalawang dekadang diktadura niya nitong 2024, sila ang pumili ng kapalit na pinuno na sisiguro sa kapakanan ng mga kabataan at pangangalagaan ang nakamit na demokrasya kung saan marami ang nagbuwis ng buhay.
Ang bagong mukha ng pulitika sa Bangladesh ay utang sa mga estudyante na magiting na nagprotesta laban sa diskriminasyon sa trabaho na pinaiiral ng pinatalsik na administrasyon. Ang protesta ay naging rebolusyon nang subukang sawatain ito ng dating gobyerno na ikinamatay ng maraming estudyante at ikinaaresto ng marami pang iba. Hindi natinag ang protesta at lalo pang lumaki at hindi na mapigilan ng mga otoridad.
Ngayon ay napabalitang maglulunsad ng sariling partido ang mga estudyante upang mapanatili ang pagbabantay at pagsisiguro ng kanilang kapakanan. Mataas ang kumpyansa ng mga estudyante sa pagsabak sa halalan at pag nagkataon ay maisasaayos nila ng husto ang bulok na sistemang pulitika at pamamahala sa kanilang bansa.
Sa Pilipinas naman, kung saan malaking bahagi ng populasyon ay mga mag-aaral rin, marahil napapanahon rin ang pagbuo nila ng sariling partido upang mabago ang maraming bulok na sistema ng pamamahala. Yaman din lamang na sumasabak na ang mga estudyante sa halalang pambarangay, maalam na sila sa sistemang pulitika sa bansa at may kakayahan sa pamamahala.
Kung tutuusin, mas maigi pa siguro ang mga partidong kabataan ang maging mambabatas imbes na mga partylist na nagsisilbi lamang front ng mga tradisyunal na pulitiko.